3 Chinese nationals na-admit sa San Lazaro Hospital dahil sa sintomas ng flu

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 05:35 AM

Na-admit sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang tatlong Chinese Nationals na nakitaan ng sintomas ng flu.

Ayon kay Health Sec. Fracisco Duque III, dalawa sa tatlong Chinese ay mayroong travel history sa Wuhan City – ang lungsod sa china na sentro ng novel coronavirus outbreak.

Sinabi ni Duque na kinuhanan na ng specimen ang tatlo pero wala pang resulta sa pagsusuri ng mga ito.

Sa ngayon ayon sa Department of Health (DOH) ay nananatiling walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Pinayuhan naman ni Duque ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga balita mula sa hindi kumpirmadong sources tungkol sa nasabing sakit. (end/dd)

TAGS: coronavirus, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, San Lazaro Hospital, Tagalog breaking news, tagalog news website, three Chinese nationals, Wuhan City, coronavirus, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, San Lazaro Hospital, Tagalog breaking news, tagalog news website, three Chinese nationals, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.