WATCH: 11 dayuhan na nasa bansa, sinusuri ng DOH dahil sa novel coronavirus
Nasa 11 dayuhan ang patuloy na inoobseryahan ng Department of Health (DOH) na posibleng mayroong 2019-novel coronavirus.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dalawa sa nasabing bilang ay nasa Metro Manila, tig-tatlo sa Western Visayas at Central Visayas, habang tig-isa naman sa MIMAROPA, Palawan, Eastern Visayas.
Apat aniya rito ay nagnegatibo sa sakit habang ipinadala sa Melbourne, Australia ang test samples ng pitong iba pa para karagdagang pagsusuri.
Samantala, pinayuhan naman ni Education Secretary Leonor Briones ang ilang Chinese schools na nagsuspinde ng klase na magsagawa ng make up classes tuwing araw ng Sabado o Linggo.
May report si Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.