Bagong 100-peso bill na mas matingkad ang kulay, ilalabas ng BSP
Maglalabas ng bagong 100 peso bill ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) simula sa February 1, 2016.
Ang mga ilalabas na bagong isang daang piso ay may mas matingkad na pagka-violet.
Ayon sa BSP, ito ay para hindi na malito ang publiko sa 1000-peso bill at 100-peso bill.
“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) is issuing 100-Piso banknotes with stronger mauve or violet color starting Monday, 01 February 2016, to make it more distinct from the 1000-Piso banknote. This is in response to suggestions from the public to make it easier to distinguish from the 1000-Piso banknote,” ayon sa BSP.
Kumpara sa kasalukuyang 100-peso bill, ang bagong ilalabas na banknote simula sa Lunes ay mas magiging matingkad na ang kulay sa karap at sa likod.
Maliban sa kulay, ang iba pang features ng banknote ay hindi naman binago ng BSP.
Ang mga kasalukuyang 100-peso banknotes ay maari pa ring gamitin o ipambayad hanggang sa maubos ang suplay nito, dahil ang mga ii-imprenta nang bersyon ng BSP ay ang banknote na mas matingkad ang kulay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.