Wala pang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa – DOH
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na wala pang kumpirmadong kaso nCoV sa bansa hanggang sa araw ng Lunes, January 26.
Muli namang hinikayat ng DOH ang publiko na iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon ukol na nasabing virus.
Dapat din anilang maging responsable ang publiko sa mga ibinahaging impormasyon lalo na sa social media.
Siniguro naman ng DOH na “on top of the issue” pa rin sila at regular silang magbibigay ng update sa pamamagitan ng kanilang Facebook account at official website.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.