Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol
By Angellic Jordan January 27, 2020 - 06:38 PM
Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Lunes ng hapon.
Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 184 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 5:00 ng hapon.
12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.