Make up classes sa mga eskwelahan na naapektuhan ng Bulkang Taal, isasagawa sa araw ng Sabado at Linggo

By Chona Yu January 27, 2020 - 06:30 PM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) sa mga eskwelahan sa Batangas, Laguna at Cavite na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal ang pagsasagawa ng make up classes sa araw ng Sabado at Linggo.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na balik-eskwela na ang mga estudyante simula sa Pebrero 3.

Base sa proposed modified school calendar ng DepEd para sa taong 2020, magkakaroon ng make up classes ang elementary hanggang senior high school tuwing araw ng Sabado simula sa Pebrero hanggang sa buwan ng Marso.

Pagsapit naman sa April 1 hanggang 6 ay magkakaron ng make up classes sa araw ng Sabado at Linggo.

Isasagawa aniya ang final examination dates sa Grades 6 hanggang 12 sa March 20 hanggang 21 habang ang final examination dates sa Grades 1 hanggang 5 at 7 hanggang 11 ay gagawin sa March 27 at 28.

Isasagawa naman ang school year-end preparations, graduation recognition at moving up sa April 1 hanggang 6.

Kabilang sa mga inatasan na magsagawa ng make up classes ang mga eskwelahan sa division sa Batangas, Batangas City, Lipa City, Tanauan, Cavite, General Trias City, Laguna at San Pablo City.

Tinatayang aabot sa 645,000 na estudyante ang naapektuhan ang pagpasok sa eskwela dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

15 araw na walang pasok ang mga nabanggit na eskwelahan mula nang pumutok ang Bulkang Taal noong January 12. 2020.

TAGS: Batangas, cavite, deped, laguna, make up classess, Sec. Leonor Briones, Taal Volcano, Batangas, cavite, deped, laguna, make up classess, Sec. Leonor Briones, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.