Tatlong sakay ng nagka-problemang yate, naligtas ng PCG sa Batanes

By Ricky Brozas January 27, 2020 - 03:16 PM

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kapahamakan ang tatlong pasahero ng isang yate na nagka-problema habang naglalayag sa karagatan ng Batanes.

Sa ulat ng PCG, nakatanggap ng distress call ang mga tauhan nila sa lalawigan kaugnay sa sitwasyon ng mga pasahero ng yate.

Naharap kasi sa malalaking alon ang mga biktima habang sila ay nasa diving venture sa karagatang sakop ng bayan ng Basco.

Kabilang sa mga naligtas ay ang 60 taong gulang na si Douglas Rutherford; Emmanuel Domingo, 37-anyos; at Carson Chanthywong, 34-anyos.

Kapwa nasa maayos na kalagayan ang mga pasahero matapos maayudahan at maihatid sa Sanctuary Area ng Basco, Batanes.

TAGS: basco, batanes, PCG, basco, batanes, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.