Pag-aaral sa kanselasyon ng VFA, mas pinalawak pa ng DOJ

By Ricky Brozas January 27, 2020 - 02:45 PM

Pinalawig pa ng Department of Justice(DOJ) ang pag-aaral nito sa proseso ng planong pagkansela ng pamahalaan at pinasok nitong Visiting Forces Agreement o VFA sa tropa ng Amerika.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan sila ng Malacañang na palawigin pa ang sakop ng kanilang pag-aaral sa nilalaman ng VFA.

Kasama na aniya sa pag-aaral ang preliminary impact assessment o epekto sakaling tuluyan na ngang kanselahan ng pangulo ang VFA.

Aminado ang kalihim na maaring hindi nila kakayaning tapusin ngayon ang pag-aaral sa kanselasyon ng VFA.

Paliwanag ng kalihim, mas mahalaga naman ang magiging epekto ng VFA cancellation kumpara sa proseso ng pagkansela nito.

Dagdag pa ni Sec. Guevarra, maari ring hilingin niya sa cabinet cluster ng justice, security and peace na matalakay ang Enhance Defense Cooperation Agreement o EDCA at epekto dito ng kanselasyon ng VFA.

Una na kasing nagbanta ang pangulo sa Amerika na ipapawalang-bisa nito ang VFA kasunod ng pagkansela ng Estados Unidos sa US visa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nagbigay pa ang pangulo ng isang buwang palugit sa US government para bawiin ang kanselasyon nito sa visa ni Dela Rosa.

TAGS: DOJ, Sec. Menardo Guevarra, VFA, VFA cancellation, DOJ, Sec. Menardo Guevarra, VFA, VFA cancellation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.