Modernisasyon ng Phivolcs, isinusulong sa Kamara
Nais ni 1PACMAN Rep. Michael Romero na magkaroon ng modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Base sa inihaing House Bill 5763 o PHIVOLCS Modernization Act ni Romero, ipinanukala nito na magkaroon ng P3 bilyong pondo para sa modernisasyon ng PHIVOLCS upang magkaroon ng latest state-of-the-art equipment.
Ang pondo para sa PHIVOLCS modernization program ay huhugutin sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Hinimok ng kongresista ang pagpapatupad ng dalawang taon na implementasyon ng modernization program na layong i-upgrade ang mga warning, assessing at monitoring instruments ng PHIVOLCS sa pagsabog ng bulkan, lindol at tsunami.
Layunin din ng panukala na matiyak na nakakasunod ang bansa sa international volcanology at seismology agreements gayundin ang pagbibigay ng gobyerno ng timely at quality information o babala sa anumang nagbabadyang kalamidad.
Umapela rin si Romero na gawing prayoridad ang panukala kaugnay sa mapaminsalang pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.