Pag-terminate sa VFA dapat pag-aralan muna ng gobyerno – Rep. Rufus Rodriguez

By Erwin Aguilon January 27, 2020 - 12:50 PM

Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriquez si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muna ang termination ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Rorriquez, dapat irekunsidera ni Pang. Duterte ang kanyang desisyon na i-terminate ang VFA.

Bagaman may kapangyarihan anya ang pangulo para gawin ang pagbuwag sa kasunduan, hindi ito makabubuti sa interes at seguridad ng bansa.

Binanggit ni Rodriguez ang umiiral pa ring territorial conflict ng Pilipinas sa China dahil sa usapin ng exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Kasama na dito ang harassment sa mga mangingisda sa Panatag Shoal at tangkang pagpigil sa resupply sa barko ng Philippine Navy na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Iginiit nito na tanging ang Estdos Unidos sa ilalim ng Mutual Defense Treaty at ng VFA ang maaaring sumaklolo sakaling magkaroon ng pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA, Visiting Forces Agreement, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA, Visiting Forces Agreement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.