Publiko hindi dapat mag-panic sa banta ng bagong coronavirus
Pinayuhan ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang publiko na mag-ingat pero iwasang mag-panic sa harap ng kinatatakutang pagkalat ng novel coronavirus o nCoV.
Ayon kay Taduran, gaya ng ibang virus ay kayang labanan ang coronavirus sa pagpapalakas ng immune system, malinis na kapaligiran at healthy lifestyle.
Pinayuhan rin ng kongresista ang mga makakaramdam ng sintomas na kagaya ng sa trangkaso lalo na iyong mga galing abroad na agad magpatingin sa doktor.
Nagawa anyang mapigilan ng Pilipinas ang pagkalat noon ng SARS at MERS-COV dahil sa inilatag na mga sistema kaya naniniwala itong istriktong pagpapatupad lang ng mga ito ang kailangan.
Kasabay nito’y binalaan naman si Taduran ang mga manufaturer at nagbebenta ng face masks na magsasamantala sa presyo sa gitna ng pangangailangan dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.