‘Kill crazy rich’ na utos ni Pangulong Duterte pang ‘gulpi de gulat’ lang ayon sa Malakanyang

Photo grab from PCOO’s Facebook live video
‘Gulpi de gulat’ lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang himukin nito ang mga nagsisukong rebelde na patayin ang mga oligarchs o ang mga mayayamang negosyante sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi dapat na gawing literal ng mga negosyante ang pahayag ng pangulo.

Sinabi pa ni Panelo na ang pagnanais ni Pangulong Duterte na patayin ang mga negosyante ay nangangahulugan lamang na itigil na ng mga ito ang pagsasamantala o pagnanakaw sa pera ng taong bayan.

Hindi aniya dapat na mag-alala ang mga negosyanteo magdagdag ng bodyguard kung batid naman ng mga ito na wala silang nilalabag na batas.

Inihahayag laman aniya ng pangulo ang kahalagan ng kanyang mga sinasabi kung kaya gumagamit ito ng gulpi de gulat.

Kinakailangan kasi aniyang gamitin ng pangulo ang istratihiyang gulpi de gulat para maintindihan at maiparating ng maayos ang mensahe.

Read more...