Mga lugar na mayroong ‘patients under investigation’ dahil sa posibleng nCoV infection tinukoy ng DOH
Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang mga lugar sa bansa na mayroong mga itinuturing na persons under investigation (PUIs) dahil sa posibleng nCoV infection.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III ang mga PUIs ay pawang may history ng pagbiyahe sa Wuhan City kaya kailangang suriin at bantayan.
Narito ang mga lugar kung saan mayroong mga PUIs na tinututukan ang DOH:
METRO MANILA
– Asian Hospital, Muntinlupa (78 y/o, Male)
– Adventist Medical Center, Pasay City (44 y/o, Male)
MIMAROPA
– El Nido, Palawan (10 y/o, Female)
NORTHERN MINDANAO
– Camiguin General Hospital, Mambajao (29 y/o, Male)
WESTERN VISAYAS
– Dr. Rafael Tumbokon Memorial Hospital, Kalibo, Aklan (32 y/o, Female; 6 y/o, Male; 24 y/o, Female)
EASTERN VISAYAS
– Tacloban City Hospital, Leyte (36 y/o, Male)
CENTRAL VISAYAS
– Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu (5 y/o, Male; 18 y/o, Female)
– Allied Experts Medical Center, Cebu City (61 y/o, Female)
Ayon kay Duque, ang nasabing mga indibidwal ay isolated sa mga ospital.
Karamihan sa kanila ay Chinese, habang mayroon ding Brazilian at American Nationals.
Ang samples na kinuha sa kanila at sinuri sa RITM ay ipadadala din sa Australia para masuri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.