Publiko pinaiiwas muna ng DOH sa pagbeso-beso at shake hands

Pinaiiwas muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbebeso-beso at shake hands.

Ito ay sa gitna na rin ng paglaganap ng novel coronavirus.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas makabubuti ang fist bump o finger to finger na batian na lamang gaya nang mga itinuturo sa mga sanggol na align na daliri.

Pero ayon kay Duque, pinakamabisa ang pagkaway na lamang na senyales ng “Hello”.

Hinihimok din ni Duque ang publiko na palagiang maghugas ng kamay.

Dapat aniyang sabayan ng pagkanta ng daawang beses na Happy Birthday o pagdarasal ng Our Father habang naghuhugas.

Payo pa ni Duque sa publiko na takpan ang bibig kapag umuubo.

Kung umuubo o nababahing at walang dalang panyo, payo ni Duque, gamitin ang harapan ng siko at huwag ang palad.

Dapat din aniyang umiwas sa mga taong may ubo, sipon, lagnat o iba pang sintomas na nagpapakita ng kahalintulad ng novel coronavirus.

Dapat din aniyang uminom ng maraming tubig at panatiling basa ang lalamunan pra makaiwas sa ibat ibang uri ng virus.

Read more...