11 katao ‘under investigation’ sa posibleng nCov infection
By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2020 - 11:33 AM
Mayroon pang 11 na binabantayan ang Department of Health (DOH) dahil sa pagpapakita ng sintomas ng nCoV.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III sila ay itinuturing na 11 persons under investigation (PUIs).
Ang mga PUIs ay pawang may history ng pagbiyahe sa Wuhan City.
Sa ngayon ay nananatiling walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.
Kinuhanan din ng samples ang mga PUI at saka ipnasuri sa Research Institute for Tropical Medicine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.