Indonesian students na naipit sa Wuhan City nagpapalikas na

Nagpapalikas ang mga Indonesian na naipit sa Wuhan City dahil sa ipinatutupad na lockdown doon.

Mayroong mga estudyanteng Indonesian na sa Wuhan City nag-aaral.

Sa datos ng Indonesian Student Association in China, 200 na Indonesian Citizens ang naiiipit ngayon sa Wuhan at karamihan sa kanila ay estudyante.

Pero marami sa kanila ang umuwi sa Indonesia bago pa man naipatupad ang lockdown para magdiwang ng Chinese New Year.

Sa ngayon ay nasa mahigit 90 pa ang naiiwan sa Wuhan City.

Simula nang ipatupad ang lockdown, walang nakakaalis at walang nakakapasok sa Wuhan City.

Read more...