Mga residente sa Laurel at Agoncillo sa Batangas pinayagan nang umuwi

Pinayagan na ng provincial government ng Batangas ang mga residente sa bayan ng Agoncillo at Laurel na umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon sa abiso ng Batangas Provincial Government, kailangan lamang maging maingat at alerto ang mga residente at palaging bantayan ang abiso ng pamahalaan at ng Phivolcs.

Hindi naman papayagan na umuwi ang mga residente sa mga barangay na sakop ng 7-km radius Danger Zone.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Agoncillo:
– Bilibinwang
– Subic Ilaya
– Banyaga

Laurel:
– Gulod
– Buso-Buso
– Bugaan East

Habang patuloy naman ang paalala ng provincial government na sa mga barangay sa Volcano Island ay mananatili ang permanent lockdown.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Sitio Tabla, Talisay
– San Isidro, Talisay
– Calawit, Balete
– Alas-as, San Nicolas
– Pulang Bato, San Nicolas

 

Read more...