Nasa 500 bata ang tatanggap ng first communion sa seremonyang gagawin bukas bilang bahagi ng ginaganap na 51st International Eucharistic Congress.
Ilan sa mga first communicants sa gagawing first communion ceremony bukas ay mga street children habang ang iba ay galing sa mga Siocese ng Calbayog Samar, Pasig at iba pang bahagi ng bansa.
Ito ay bahagi pa rin ng ginaganap na 51st IEC sa Cebu City Sports Center.
Ayon kay Glovaline Dalmacio, 8 taong gulang mula sa Calabayog Samar at isa sa mga first communicants, excited at masaya siya na napili siya na maging bahagi ng IEC.
Samantala, kanina ay ibinahagi ni Maria Margarita Cogtas na isang dating basurera at street children ang kaniyang naging buhay sa lansangan.
Ayon kay Cogtas, hindi biro ang buhay lansangan dahil madalas ay pinandidirihan sila ng tao.
Si Cogtas ay nakapagtapos na ngayon ng AB Pschology sa University of Cebu matapos makakuha ng scholarship sa Dilaab foundation.