outbrain

Manny Pacquiao, iba pang PH celebrities nagluksa sa pagpanaw ni Kobe Bryant

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2020 - 08:07 AM

Kabilang si People’s Champ, Senator Manny Pacquiao sa nagluksa sa pagpanaw ni Kobe Bryant.

Sa kaniyang social media accounts ay ibinahagi ni Pacquiao ang larawan habang kasama niya si Bryant.

Ayon kay Pacquiao, nawalan ang mundo ng isang “legend” subalit ang legacy ni Bryant ay mananatili.

Nilagyan din niya ito ng hashtag na RIPMAMBA.

Nag-umapaw din ang pakikiramay sa pagpanaw ni Bryant mula sa mga celebrities ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nag-tweet ng pakikiramay sina Anne Curtis, Gary Valenciano, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion at Arnel Pineda.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, kobe bryant, lindol radyo inquirer, manny pacquiao, NBA, nba legend, PH breaking news, PH news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, kobe bryant, lindol radyo inquirer, manny pacquiao, NBA, nba legend, PH breaking news, PH news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.