Bangkay natagpuan sa dalampasigan sa Palawan

By Mary Rose Cabrales January 27, 2020 - 06:43 AM

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki sa dalampasigan ng dagat sa Barangay Campong Ulay sa bayan ng Rizal sa lalawigan ng Palawan, umaga ng Linggo (January 26).

Natulong-tulong ang mga pulis at residente oara maiahon sa dagat ang mga labi ng hindi pa nakikilalang biktima.

Ayon sa mga residente ang biktima ay mayroong problema umano sa pag-iisip at nakita pa nila ito noong January 23 na naglalakad at nanghihingi ng pagkain.

Ayon naman kay Police Captain Ric Ramos ng Rizal, Palawan police, base sa pagsusuri ng doktor sa bangkay ay tinatayang 24 na oras na itong nalunod at wala namang nakikitang foul play sa pagkasawi ng biktima.

Agad inasikaso ng barangay ang bangkay na napag-alaman naman na sa mga kamag-anak sa Rizal ito naninirahan at residente ngbBarangay Sandoval sa bayan ng Narra ang pamilya nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung paano ito napunta sa dagat.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, one dead, Palawan, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, one dead, Palawan, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.