Davao Occidental, Pangasinan at Batangas niyanig ng lindol
Unang niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 115 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:33 ng madaling araw at may lalim na 35 kilometers.
Magnitude 3.1 na lindol naman ang naitala sa 64 kilometers Southwest ng bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan, alas-2:45 ng umaga at may lalim na 22 kilometers.
Samantala, magnitude 3.4na lindol naman ang naitala sa 5 kilometers Southwest ng bayan ng Mabini sa lalawigan ng Batangas, alas-2:48 ng umaga at may lalim na 3 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.