NBA nagluluksa sa pagpanaw ni Kobe Bryant

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2020 - 06:08 AM

Nagluksa ang NBA sa pagpanaw ni Kobe Bryant dahil sa chopper crash.

Sa pahayag ng NBA, inalala nito ang malaking ‘impact’ na nagawa ni Bryant sa mga manlalaro ng NBA, sa liga at sa basketball.

Malaking kawalan umano si Bryant sa buong basketball community.

Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikiramay ang NBA sa asawa at mga naulila ni Bryant.

Sa laban naman ng Raptors at Spurs, kapwa nagpasya ng mga manlalaro na magkaroon ng 24-second violations sa umpisa ng laban.

Ito ay bilang pagbibigay ng respeto kay Kobe na 24 ang numero sa kaniyang jersey.

Bago naman magsimula ang laban ng Rockets at Nuggets, ilang segundong katahimikan muna ang ibinigay para ipanalangin si Bryant.

Ang dating teammate ni Bryant na si Shaquille O’Neal labis din ang pagluluksa sa pagpanaw ng kaibigan.

Ayon kay O’Neal mahal niya si Bryant at mami-miss niya ito.

Number 1 trending na sa Twitter worldwide ang “Kobe”; number 2 trending naman ang “RIPMAMBA’.

TAGS: Breaking News in the Philippines, chopper crash, Inquirer News, kobe bryant, NBA, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, RIPMamba, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, chopper crash, Inquirer News, kobe bryant, NBA, PH breaking news, PH news, Radyo Inquirer, RIPMamba, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.