Mga pasahero na may nakatakdang biyahe patungong China, Hong Kong at Macau pwede nang magpa-rebook ayon sa CebuPac

Maari nang magpa-rebook ng flight ang mga pasahero na mayroong nakatakdang biyahe patungo ng China, Hong Kong, at Macau.

Sa abiso ng Cebu Pacific, dahil sa umiiral na novel coronavirus scare ang mga pasahero na may biyaheng Shanghai, Canton, Beijing, Shenzen, Xiamen, Hong Kong at Macau na ni-book mula January 24, 2020 at bibiyahe hanggang February 29, 2020 ay maaring magpa-rebook.

Maaring gawin ang rebooking sa loob ng 30 araw mula sa original travel date.

Maliban sa rebooking ay pwede ring iparefund ng mga pasahero ang halaga ng ibinayad nila sa ticket, o ilagay sa travel fund ang halaga para sa future use.

Kasabay nito, hinimok ng Cebu Pacific ang mga pasahero nila na gumamit ng face mask kapag bumibiyahe, laging maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol o sanitizer.

Read more...