150 Pinoy sa Wuhan binabantayan ng DFA
Mayroong 150 Filipinos na nasa Wuhan City ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Shanghai sa 150 Pinoy na naapektuhan ng ipinatupad na lockdown sa Wuhan City.
Sinabihan na ng konsulada ang Filipino Community leaders na bigyang tulong ang mga Pinoy lalo na ang mga turista na nagtungo lamang doon para sa short-time visit.
Kasabay nito, inabisuhan ng DFA ang mga Filipino sa China na maging maingat at tumugon sa abiso ng health authorities.
Ngayong araw, magsasagawa ng emergency meeting ang Migrant Workers’ Affairs ng DFA para alamin kung paanong tutugunan ang health emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.