20 sugatan sa pagsabog ng granada sa Afghanistan

By Angellic Jordan January 26, 2020 - 07:02 PM

Hindi bababa sa 20 katao ang sugatan sa pagsabog ng granada sa isang kasal sa Afghanistan, araw ng Sabado.

Sa isang panayam, sinabi ni Adel Haider, tagapagsalita ng hepe ng eastern Khost province police, kabilang sa mga sugatan ang ilang kabataan kung saan isa ang nasa kritikal na kondisyon.

Nangyari ang pagsabog sa kasagsagan ng isang wedding ceremony sa lugar.

Sa ngayon, wala pang umaako ng responsibilidad sa nasabing insidente.

Patuloy din aniya ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa pag-atake.

TAGS: Adel Haider, afghanistan, eastern Khost province police, Adel Haider, afghanistan, eastern Khost province police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.