Easterlies, umiiral sa Silangang bahagi ng Mindanao – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang easterlies sa Silangang bahagi ng Mindanao.
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na apektado ang Visayas at Mindanao ng mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Bunsod nito, makararanas aniya ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihina hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan sa Surigao del Sur, Davao de Oro at Davao Oriental.
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon ng nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Sinabi rin ni Clauren na walang namamataang bagyo o anumang weather disturbance na makakaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.