Ilang klase sa Batangas, suspendido pa rin sa Lunes (Jan. 27)

By Angellic Jordan January 26, 2020 - 03:55 PM

Mananatiling suspendido ang ilang klase sa probinsya ng Batangas sa araw ng Lunes, January 27.

Ito ay sa kabila ng pagbaba sa Alert Level 3 ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 4.

Sa isang press conference, sinabi ni Batangas Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas na mananatiling sarado ang mga paaralan sa elementary at secondary level.

Nagsisilbi pa kasi aniyang temporary shelter ng mahigit 50,000 bakwit ang ilang elementary at secondary schools sa lugar.

Samantala, maaari na aniyang ituloy ang klase sa mga kolehiyo, unibersidad, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at lahat ng nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa Taal volcano bulletin bandang 8:00, Linggo ng umaga, inanunsiyo ng Phivolcs ang pagbababa ng alerto sa Bulkang Taal.

TAGS: Alert Level 3, Bulkang Taal, class suspension in Batangas, Gov. Dodo Mandanas, Alert Level 3, Bulkang Taal, class suspension in Batangas, Gov. Dodo Mandanas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.