Palasyo, hindi nababahala sa babala ng iskandalo at kontrobersya kay Pangulong Duterte sa 2020

By Chona Yu January 26, 2020 - 03:30 PM

Hindi nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa babala ng Feng Shui expert na si Joey Yap na mag-ingat si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta ng mga iskandalo at kontrobersiya ngayong 2020 o Year of the Metal Rat.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sa kabila ng mga iskandalo na ipinupukol kay Pangulong Duterte, mataas pa rin ang approval rating nito.

Hindi na aniya bago ang mga iskandalo sa pangulo dahil noon pa man ay binabato na siya ng kaliwa’t kanang kontrobersiya.

“Ano pa bang bagong iskandalo? Di ba tinatapunan siya ng kung anu-anong iskandalo, eh lalong tumataas ang rating niya?,” ani Panelo.

Naka-focus aniya ang pangulo sa pagtatrabaho.

Wala aniyang pakialam ang pangulo kung bibigyan siya ng mataas o mababang approval rating dahil iisa lamang ang layunin ng punong ehekutibo. Ito ay ang mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipipno.

“Basta si Pangulong [Duterte] nagtatrabaho siya. Gaya ng sabi niya, he could not care less kung matuwa sa kanya o hindi o bigyan nyo siya ng approval rating na mataas o mababa,” ayon kay Panelo.

Ilan sa mga iskandalo na ibinato sa pangulo ang pagkakaroon ng umano’y tagong yaman o milyun-milyong deposition sa bangko, lagay ng kalusugan, pangbabae at iba pa.

TAGS: Feng Shui expert Joey Yap, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, Year of the Metal Rat, Feng Shui expert Joey Yap, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, Year of the Metal Rat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.