Klase sa Tagaytay City, balik-normal na sa Lunes (Jan. 27)

Magbabalik-normal na ang mga klase sa Tagaytay City sa araw ng Lunes, January 27.

Ito ay makalipas ang mahigit dalawang linggong suspensyon ng klase bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong January 12.

Sa inilabas na abiso, sinabi ni Mayor Agnes Tolentino na inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang panunumbalik ng klase sa lugar.

Mamimigay naman aniya ng mga face mask sa lahat ng estudyante.

Sa huling abiso ng Phivolcs, ibinaba na sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Sinabi ng Phivolcs na nangangahulugan ito na nabawasan na ang posibilibidad na makaranas ng hazardous eruption.

Read more...