Palasyo, tiniyak na handa ang gobyerno sa banta ng coronavirus sa bansa
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda ang pamahalaan sa gitna ng banta ng coronavirus outbreak sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na base sa kanyang pakikipag-usap kay Health secretary Francisco Duque III, may mga nakalatag nang hakbang o protocols ang DOH sakaling maging mapanganib na ang coronavirus sa Pilipinas.
Sa ngayon, sinimulan na aniya ng pamahalaan na pabalikin ang mga dayuhang nanggaling sa Wuhan City sa China.
Kasabay nito, nakiusap ang Palasyo sa mga Filipino na nasa Wuhan na maging alerto at maging maingat.
Dapat aniyang maglatag ng precautionary measures ang mga Filipino sa Wuhan City para makaiwas sa naturang sakit.
“Ang sabi ni Secretary Duque, kapag nagkaroon ng pagkakataon na manganib na mag-spread sa ating bansa eh meron silang gagawing protocols para hind maging malaganap ang ganung virus sa atin. We will be undertaking measures to prevent the spread as well as secure the safety of our countrymen,” ayon kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.