Olympic boxing qualifier, isasagawa na sa Jordan

By Angellic Jordan January 26, 2020 - 12:28 PM

Isasagawa na ang Olympic boxing qualifiers sa Jordan.

Ito ay matapos kanselahin ang pagdaraos nito sa Wuhan City, China kasunod ng tumamang coronavirus outbreak sa lugar.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng International Olympic Committee’s Boxing Task Force (BTF) na napagdesisyunan nito kasama ang Chinese Olympic Committee na idaos ang boxing event ng Tokyo Olympics sa Amman mula March 3 hanggang 11, 2020.

Idaraos dapat ito sa Wuhan mula February 3 hanggang 14.

Inaprubahan anila ng BTF ang proposal ng Jordan Olympic Committee matapos ang pagre-review sa lahat ng posibleng alternatibo.

Isasagawa rin dapat ang Group B Asian women’s football qualifiers sa Wuhan mula February 3 hanggang 9.

TAGS: Amman, China, coronavirus, coronavirus outbreak, Jordan, Olympic boxing qualifier, Wuhan, Amman, China, coronavirus, coronavirus outbreak, Jordan, Olympic boxing qualifier, Wuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.