Parte ng katawan ng hindi pa nakikilalang tao, natagpuan sa Bulacan

By Angellic Jordan January 25, 2020 - 11:36 PM

Natagpuan ng mga otoridad ang ilang parte ng katawan ng hindi pa nakikilalang tao sa San Jose Del Monte, Bulacan Sabado ng umaga.

Nakita ang ilang parte ng bangkay sa isang bagahe kasama ang ilang basura sa Quirino Highway sa Barangay San Manuel bandang 5:30 ng madaling-araw.

Una itong nakita ng mga city waste manager habang inilalagay sa trak ang mga basura.

Sa ngayon, sinusuri na ng police forensic investigators ang namataang parte ng katawan.

Inaalam din ng mga otoridad kung mayroon itong koneksyon sa unang nakitang ilang parte ng bangaky sa Marikina City.

TAGS: Bulacan, san jose del monte, Bulacan, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.