Inalala ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng 44 Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na hindi makakalimutan ang sakripisyo ng 44 SAF commandos para mahuli ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir o Marwan.
Nagsisilbi aniyang inspirasyon ang ipinamalas na kabayanihan at pagmamahal sa bayan ng 44 SAF commandos para gampanan ang kanilang tungkulin upang protektahan ang taumbayan mula sa karahasan.
Nagparating din ng pakikisimpatya si Gamboa sa mga naiwang pamilya ng 44 SAF commandos.
Taong 2015 nang i-deploy ang 44 SAF commandos sa police operation sa Mamasapano, Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.