Bulkang Bulusan, ibinaba na sa Alert Level 0
Mula sa Alert Level 1, ibinaba na ng Phivolcs ang alerto ng Bulkang Bulusan sa Alert Level 0.
Sa Bulusan volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na bumalik na sa normal ang aktibidad ng bulkan batay sa kanilang monitoring parameters.
Bumaba na rin ang naitalang volcanic earthquake kung saan hanggang dalawang lindol lamang ang nararamdaman kada araw simula May 17, 2019.
Ibig-sabihin, sinabi ng Phivolcs na nabawasan ang rock fracturing sa volcanic system nito.
Nananatili rin anilang mababa ang sulfur dioxide emission base sa gas spectrometry simula taong 2018.
Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na wala nang inaasahang magmatic eruption sa Bulkang Bulusan.
Samantala, pinaalalahanan naman ang publiko at local government unit (LGU) na dapat pa ring iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer raduis Permanent Danger Zone (PDZ) partikular sa vents sa south-southern slopes.
Ito ay dahil sa posibilidad na makaranas ng phreatic eruption, rockfall at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.