LOOK: Mensahe ni Pangulong Rodrigo kasunod ng selebrasyon ng Chinese New Year

By Angellic Jordan January 25, 2020 - 01:02 PM

Nagbigay ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa inilabas na mensahe, sinabi ng pangulo na sumasalamin sa pagdiriwang ng Chinese-Filipino community sa Chinese New Year and ‘Strong and inseparable” na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ipinagdiriwang din aniya sa nasabing okasyon ang bagong pagsisimula, pag-asa at kahilingan ng kasaganahan para sa bansa.

Sa pagpasok ng bagong taon, hinikayat ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng mas matibay na relasyon kasama ang mga Chinese sa buong mundo sa pamamagitan ng kooperasyon, investments, cultural exchanges at people-to-people ties.

Umaasa rin ang pangulo na ipagpapatuloy ng Chinese-Filipino community ang socio-civic at charitable acts para maiangat ang pamumuhay ng publiko.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, sinabi ng pangulo na magkakaroon ito ng epetko sa bansa.

“Together, these small acts of kindness shall create a ripple effect that will benefit not only those belonging to your comunity, but also countless other, creating a much bigger wave of compassion that will evetually redound to the greater good of our country,” dagdag ng pangulo.

TAGS: Chinese New Year, Pangulong Duterte, Chinese New Year, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.