Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan

By Angellic Jordan January 25, 2020 - 12:22 PM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, nasa 203.23 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam bandang 6:00 ng umaga, araw ng Sabado (January 25).

Mas mababa ito kumpara sa 203.35 meters na lebel nito noong Biyernes, January 24.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Magat at Pantabangan Dams.

Samantala, nadagdagan nang kaunti ang tubig sa La Mesa at Caliraya Dams.

Wala namang naging pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo Dam sa magdamag.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.