Sa desisyon ng Sandiganbayan, habang nakabinbin ang paglilitis kay Ricketts, para sa kinakaharap nitong kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt and Practices Act ay dapat muna niyang lisanin ang kaniyang pwesto.
Kasama sa pinatawan ng suspensyon sina Manuel Mangubat, Joseph Arnaldo at Glenn Perez na pawang opisyal ng OMB.
Si Ricketts at ang tatlong opisyal ay sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa anomalya sa isinagawang raid sa kumpanyang Sky Marketing Corporation sa Quiapo Maynila.
Sa record, noong May 27, 2010, sinalakay ng mga tauhan ng OMB ang nasabing kumpanya kung saan umabot sa 127 na kahon at dalawang sako ng mga piniradang FVDs at VCDs ang nakumpiska kasama ang isang unit ng video recording.
Pero nang gabi ding iyon, nailabas sa tanggapan ng OMB ang mga nakumpiskang items.
Si Ricketts umano mismo ang nag-utos na ipull-out ang mga nasabat na pirated DVDs at VCDs kahit walang aprubadong gate pass at mismong truck pa nap ag-aari ng Sky high ang kumuha sa mga ito.