Kaso ng novel coronavirus sa Thailand umakyat na sa 5

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 08:10 PM

Kinumpirma ng pamahalaan ng Thailand na umakyat na sa lima ang kaso ng novel coronavirus sa kanilang bansa.

Ayon kay Deputy Public Health Minister Sathit Patucha, isang 33 anyos na babae na mula Wuhan ang walang anumang sintomas nang ito ay dumating sa Paliparan ng Thailand.

January 21 nang magpa-check up ang ginang sa isang pribadong ospital dahil sa pagkakaroon ng lagnat, ubo at muscle pain.

January 23 nang ilipat ito sa government hospital at isinailaim agad sa quarantine.

Ang kaniya namang anak ay nagnegatibo sa virus.

Ang isa pang pasyenteng Thai woman na na-ospital noong January 15 ay bumuti na ang kindisyon at na-discharge na sa ospital.

Sa ngayon, mayroon pang dalawang pasyente na naka-quarantine.

TAGS: China, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thailand, Wuhan City, China, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thailand, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.