Serbisyo ng kuryente, suplay ng langis sususpindihin muna sa mga lugar na sakop ng lockdown – DOE

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 06:00 PM

Pansamantalang sususpindihin ng Deparment of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente at produktong petrolyo sa mga lugar na sakop ng lockdown dahil sa nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.

Ayon kay Energy Undersecretary and spokesperson Felix Fuentebella, dahil umiiral ang lockdown ipatutupad din nila ang suspensyon sa suplay ng kuryente at produktong petrolyo.

Kabilang sa saop ng total lockdown ang mga sumusunod:

– Lemery
– Agoncillo
– Laurel
– Talisay
– San Nicolas

Habang partial lockdown naman ang umiiral sa mga barangay sa sumusunod na mga bayan:

– Mataas na Kahoy (Nangkaan, Manggahan, Lumang Lipa, Kinalaglagan, San Sebastian, Bayorbor, Santol, Bubuyan at Loob)
– Tanauan City (Ambulong, Banadero, Bagbag, Balete, Banjo Laurel, Bilog Bilog, Janopol, Boot, Gonzales, Janopol Oriental, Luyos, Mabini, Maria Paz, Maugat, Montana, Natatas, San Jose, Santor, Talaga, Tinurik at Wawa)
– Balete (mga barangay na nasa shoreline, Poblacion, Magapi, Calawit, Sala, Makina, Palsara, San Sebastian, Solis, Looc, Sampalocan, Alangilan)
– Lipa City (Halang, Bulaklakan, Duhatan, at bahagi ng Bagong Pook)
– Sta. Teresita (Calumala, Tambo Ilaya, Tambo Ibaba, Saimsim, at Burol)
– Cuenca (Poblacion 1-8, Calumayin, Don Juan, Balagbag, Dita, Ibabao, San Isidro, Pinagkaisahan, at San Felipe)

 

TAGS: DILG, DOE, Inquirer News, lockdown, News in the Philippines, oil products, PH news, Philippines Breaking news, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DILG, DOE, Inquirer News, lockdown, News in the Philippines, oil products, PH news, Philippines Breaking news, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.