BTS nakatakdang mag-perform sa Grammy Awards

Nakatakdang mag-perform sa Grammy Awards 2020 ang Korean boy band na BTS.

Ang Grammy Awards ay magaganap sa January 26 sa Staples Center, Los Angeles sa California.

Ibinahagi ng BTS sa kanilang official Twitter Account ang pagkasabik sa gagawin nilang performance.

Una nang inanunsyo ng Grammys na ang BTS ay magpe-perform sa “Old Town Road All Stars” segment kasama ang iba pang artists na sina Lil Nas X, Billy Ray Cyrus, Diplo, Mason Ramsey at iba pa.

Ito ang magiging una sa kasaysayan na magkakaroon ng K-pop group na magpe-perform sa Grammys.

Noong nakaraang taon, isa ang BTS sa mga presenter ng Grammy.

Read more...