Rider patay, 2 pulis sugatan sa shootout sa Marikina

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang dalawang pulis sa shootout na naganap sa harapan lamang ng Riverbanks Mall sa Marikina City.

Ayon sa Eastern Police District, ang dalawang nasugatang pulis ay sina Police Executive Master Sergeant Demetrio Sarita Magpali Jr. at Police Master Sergeant Edward Yap.

Sakay ng dalawang motorsiklo ang mga pulis at binabaybay ang A. Bonifacio Avenue nang bigla silang paputukan ng suspek na sakay din ng motorsiklo sa bahagi ng bukana ng mall sa Brgy. Barangka.

Hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng asul na shorts at t-shirt na dead on the spot.

Dinala naman sa ospital ang dalawang pulis.

Agad na nag-inspeksyon sa pinangyarihan ng shootout si NCPRO acting chief Brig. Gen. Debold Sinas.

Read more...