22 katao na galing China ‘under investigation’ ayon sa DOH

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 04:00 PM

Dalawampu’t dalawang katao ang binabantayan ng Department of Health (DOH) na pawang bumiyahe mula China patungong Pilipinas.

Ito ay kasunod ng banta ng novel coronavirus.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, under investigation ngayon ang 22.

Sinabi ni Domingo na lahat ng galing China na nakikitan ng sintomas ay sinusuri at binabantayan.

Kapag galing aniya ng China at may ubo, lagnat, o sipon ay agad sasailalim sa laboratory tests.

Tiniyak sa publiko ng DOH na masusi ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa mga paliparan at seaports sa bansa para mapanatili ang pagiging novel coronavirus free ng Pilipinas.

TAGS: airports, doh, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, seaports, Tagalog breaking news, tagalog news website, airports, doh, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, seaports, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.