Pagbabalik ng klase sa Batangas sa Feb. 3 irerekomenda ng DepEd
Irerekomenda na ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik klase sa mga lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano sa February 3.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones bahagya na ring kumakalma ang Bulkang Taal at marami sa mga paaralan ay handa na man nang magbalik-klase.
Ani Briones, may mga lugar naman sa Batangas na hindi naapektuhan ng sobra kaya pwede nang mag-resume ang klase.
Ang mga estudyante naman na nasa evacuation centers at nag-aaral sa mga lugar na matinding naapektuhan ay maaring i-accommodate sa paaralang makapagbubukas na.
Sa datos ng DepEd, 1,054 na paaralan mula sa Region 4-A ang apektado ng class suspension.
Sa nasabing bilang ay mayroong 574,000 na mga mag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.