Disneyland sa Shanghai pansamantalang isasara dahil sa coronavirus scare
Magpapatupad ng temporary closure sa Shanghai Disneyland kasunod ng coronavirus scare sa China.
Sa inilabas na pahayag ng Shanghai Disney Resort, kabilang sa isasara ang Walt Disney Grand Theatre at ang Wishing Star Park.
Tugon ito ng theme park sa upang maawat ang paglaganap pa ng novel coronavirus na mabilis na kumakalat ngayon sa China.
Layon din umano nitong maprotektahan ang kanilang mga guest at ang mga Cast sa Shanghai Disneyland.
Ang pagsasara ay sisimulan bukas, January 25, 2020 at magpapatuloy habang masusing binabantayan ang sitwasyon.
Mag-aanunsyo na ang muli ang pamunuan ng theme park kung kalian ito bubuksan.
Ayon sa Shanghai Disney Resort, isasauli nila ang perang ibinayad ng mga guest na nakabili na ng tickets.
Tutulong din sila sa pagprosesong refund para sa mga nakapag-book sa mga resort hotel, at sa mga nakapag-book ng tickets para sa Beauty and the Beast Mandarin Production.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.