Utos ito ni Mandanas sa isinigawang pagpupulong ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Provincial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Binigyang-pansin ni Mandanas ang mga sektor ng agrikultura, community development, edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan, at maging ang kalalagayan ng mga alagang hayop na naapektuhan din bunsod sa pag-aalboroto ng bulkang Taal.
Isinaad ng gobernador na magsasagawa ang Kapitolyo ng isang Livelihood and Mitigation Project, katuwang ang Cash for Work Program ng Department of Labor and Employment.
Bukod dito, inatasan na rin ng gobernador na magkaroon nang pakikipag-ugnayan sa mga ospital at eskwelahan para sa mga pinsala at mga pangangailangang dapat matugunan.
Nagbigay daan naman ang grupo ng Animal Kingdom Foundation, sa pangunguna ni Atty. Heidi Marquez, upang pahalagahan din ang buhay ng mga alagang hayop lalo na sa mga lugar na higit naapektuhan ng pinansala na dala ng Bulkang Taal.
Ang naturang organisasyon ay nakipag-ugnayan agad sa tanggapan ng Office of the Provincial Veterinary Office.
Hiniling din ni Governor Mandanas sa mga miyembro ng media na maging positibo at maipaalam ang kahandaan ng pamahalaan, na ginagabayan ng matagal nang ibinalangkas na contingency plan, upang mapalakas ang loob ng mga kababayan.
“Ang mga naglilingkod ay hindi lamang gumaganap sa kanilang tungkulin, kung hindi tunay na nagmamalasakit,” giit pa ni Governor Mandanas.