Lockdown sa ilang lugar sa China pinalawak pa; 25 milyong katao ang apektado
Mas pinalawak pa ang pag-iral ng lockdown sa ilang mga lugar sa China na apektado ng novel coronavirus.
Umabot na ngayon sa walong lungsod ang nagpapairal ng lockdown at apektado nito ang 25 milyon nang katao.
Kabilang sa mga lungsod na nagpapatupad na ngayon ng lockdown ay ang Wuhan, Ezhou, Huanggang, Chibi, Qianjiang, Zhijiang, Jingmen at Xiantao na pawang nasa Hubei province.
Samantala sa Wuhan City, magkakaroon na ng designated hospital na mayroong 1,000 bed capacity para tanggapin ang mga tinamaan ng sakit.
Itatayo ang ospital sa isang bakanteng lote at inaasahang matatapos agad sa February 3, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.