Pag-terminate sa VFA sisimulan na ng Pilipinas ayon kay DFA Sec. Locsin

Sisimulan na ng Pilipinas ang prosesosa pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., inatasan na niya si Defense Sec. Delfin Lorenzana na umpisahan ang proseso para sa pag-terminate sa VFA.

Si Locsin ang chairman ng Presidential Commission on Visiting Forces (PCVF) habang si Lorenzana naman ang vice chairman.

Ayon kay Locsin, paalis siya ngayon patungong Washington DC per walang kaugnayan sa usapin sa VFA ang dahilan ng pagpunta niya doon.

Inatasan na umano niya si Lorenzana na gumawa na ng hakbang at kabilang sa unang dapat gawin ay ang kausapin ang Senate Foreign Relations Committee.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ite-terminate niya ang VFA dahil sa pagkansela ng US sa visa ni Senator Ronald Dela Rosa.

Read more...