Mayor ng Cabugao, Ilocos Sur itinurong mastermind sa pagpatay sa isang mag-live in partner

By Erwin Aguilon January 24, 2020 - 11:47 AM

Nasa hot water ngayon ang mayor ng Cabugao, Ilocos Sur matapos iturong mastermind sa pagpatay sa isang maglive in partner sa nasabing lalawigan.

Sa pagdinig ng Regional Trial Court Branch 28, San Fernando, La Union positibong itinuro ng testigong si Dindomar Sumibcay ang alkalde.

Sinabi nito na ang mga akusado na sina Sonny Boy Quibilan at Jofel Reton ay mga hitmat ni Mayor Edgardo Cobangbang.

Ang mga biktimang sina Honorata Sumibcay at Jimmy Boy Galasino ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Cabugao Public Market sa Ilocos Sur. Noong February 11, 2013.

Ito ang unang pagkakataon na makapagharap ng testigo ang prosekusyon sa kaso makalipas ang pitong taon.

Ipinag-utos kasi ng Supreme Court ang paglilipat ng venue ng pagdinig mula sa Ilocos Sur patungo sa La union dahil sa posibleng magamit ni Mayor Cobangbang ang kanyang resources upag hindi ito maharap sa pag uusig.

Kasunod na rin ito ng petisyon ng anak ng isa sa biktima sa paniwalang pulitika ang dahilan ng pagpatay sa magulang.

TAGS: cabugao, Ilocos Sur, Inquirer News, Murder, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, cabugao, Ilocos Sur, Inquirer News, Murder, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.