Mahigit 500 Chinese National galing Wuhan na nananatili pa sa Aklan babantayan ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2020 - 09:43 AM

Babantayan ng Department of Health (DOH) ang mahigit 500 Chinese Nationals na nananatili pa sa Aklan galing Wuhan City.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, makikipag-ugnayan sila sa mga airport authority para ma-trace din kung sa Boracay lang ba talaga nagtungo ang mga dayuhan o may iba pang pinuntahan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay tiniyak naman ni Duque na nakabantay ang Bureau of Quarantine nang dumating sila sa Kalibo Airport.

Mahalaga ani Duque na malaman ang pinuntahan ng mga dayuhan sakaling kailanganin ng DOH na magsagawa ng contact tracing.

Una nang sinabi sa Radyo Inquirer ng Civil Aviation Authority of the Philippines na mayroong mahigit 500 pang dayuhan na nasa Aklan.

Sila ay dumating sa Kalibo International Airport bago pa man maipatupad ang suspensyon sa mga biyahe mula Wuhan City.

Pero ayon sa CAAP, simula ngayong araw hanggang bukas ay ibabalik na sila sa Wuhan City.

TAGS: CAAP, coronavirus, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, CAAP, coronavirus, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.