Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista ang mga election returns ay manggagaling sa mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa lahat ng polling precincts nationwide.
Para mas maging transparent at maging accessible sa lahat ang mga election returns, ipo-post ng Comelec ang mga ERs sa kanilang website.
Sa mga nasabing ERs makikita ang resulta ng naging botohan sa bawat polling precinct.
Una nang hiniling ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman ang paglalagay ng ERs sa website para may pagkakataon aniya ang lahat na mag-tabulate at i-verify kung ang tama ang magiging official result base sa bilangang gagawin.
Kung maisasakatuparan, lahat ng may access sa internet, kasama na ang mga ordinaryong botante ay magkakaron ng pagkakataong makita ang resulta ng botohan sa mga presinto.